Advertisers
SUMAMPA na sa 693,048 ang kumpirmadong kaso ng COVID-9 sa Pilipinas matapos makapagtala ng karagdagang 8,773 kaso, pinakamataas mula nang tumama ang pandemya sa bansa.
Umabot narin sa 99,891 ang aktibong kaso, pinakamataas ding tala.
Nakapagtala rin ng 574 bagong gumaling sa sakit; 580,062 sa kabuuan.
Nadagdagan naman ng 56 ang nasawi; 13,095 sa pangkalahatan.
Anim na laboratoryo ang hindi nakapagpasa ng resulta ng kanilang mga pagsusuri hanggang nitong Miyerkules. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)