Advertisers

Advertisers

Top seeds Laguna, Iloilo pasok sa semis ng PCAP chess tilt

0 248

Advertisers

PINATAOB ng top seeds Laguna Heroes at Iloilo Kisala Knights ang kanilang mga karival para pangunahan ang semifinalist ng Professional Chess Association of the Philippines(PCAP) All Filipino Conference Miyerkules Marso 24, via chess.com.
Dinurog ng Heroes ang eight- seeded Antipolo Cobras sa iskor na 16-5 at 19-2 wagi sa Northern Division,habang ang No.1 Kisela Knights ginulpi ang No.8 Cordova Dutchess Dagmi Warriors, 14-7 at 15.5.5.5, sa Southern Division.
Dahil sa panalo ay naikasa ng Laguna ang semis duel laban sa fourth-seeded Manila Indios Bravos, na nakaligtas sa Armagedddon match kontra Rizal Batch Towers.
Ang iba pang semis pairing sa Northern Division ay ang San Juan Predators at ang Caloocan Loadmanna Knight, na nagtala ng magkasalungat na panalo.
Dinomina ng San Juan ang Pasig City Knights Pirates,11.5.9.5 at 13.5-7.5,habang ang Caloocan nakaligtas sa Armagedon duel kontra Cavite Spartans matapos paghatian ang first two sets, 14.5-6.5 at 8.5-12.5.
Samantala, ang Iloilo inareglo ang semis date kontra fifth seeds Toldo City Trojans,na pinaburan ang Zamboanga Sultans, 12.5-8.5 at 12-9.
Second seeds Camarines Soaring Eagle binasura ang No.7 Mindoro Tamaraws, 16.5-4.5 at 15.5.5.5, para makatapat ang No.3 Negros Kingsmen,14-7 at 13.5-7.5 sa ibang Final Four pairing.
Ang semifinals ay naka nakatakdasa Sabado, Marso 27,habang ang Division finals ay gagawin sa Marso 31. Ang Grand Finals ay sa Abril 3.