Advertisers
ISANG 4-anyos batang lalaki ang nasawi nang bumara sa kaniyang lalamunan ang nalunok na jelly candy sa Baybay, Leyte.
Sa ulat, sinubukan ng lolo ng bata na dukutin ang kendi sa lalamunan ng apo pero nabigo ito.
Isinugod ng bata sa ospital pero hindi raw kaagad nabigyan ng atensiyong medikal dahil walang duktor.
Inilipat sa ibang ospital ang bata pero mahigit isang oras pa raw ang hinintay bago dumating ang ambulansiya.
Nang dumating naman sa ikalawang ospital, kinailangang ipa-swab test ang bata bilang bahagi ng protocol.