Advertisers

Advertisers

Elijah tunay na barako pero aminadong nagka-crush na sa kapwa kelot

0 301

Advertisers

VERY effective ang portrayal ni Elijah Canlas bilang isang teenage gay sa BL series na Gameboys na napapanood online sa FB page ng The Ideafirst Company at sa Youtube.

Katunayan, ang nasabing serye ang masasabing kauna-unahang BL series na pinasimulan ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana sa Pilipinas.

“Happy po ako kung may nagsasabi pong kami ang nauna. Proud po ako na nagiging trend siya,” aniya.



Dahil sa pagiging convincing niya bilang gay, hindi maiaalis na minsan ay may magduda sa kanyang pagkalalake.

Pero ayon kay Elijah, straight guy daw siya bagama’t bilang isang binatang namumulat sa mundo, marami pa raw siyang puwedeng i-explore.

“And I don’t know what will happen in the future kasi I’m living in ‘the now’, in the present. So I’m just a very open person and I’m open to loving whoever, whatever, pero straight po ako,” sabi ni Elijah.

Hindi pa rin daw naman siya dumating sa punto na nagka-crush siya sa kapwa lalaki.

Gayunpaman, hindi naman niya ikinakailang minsan ay nagkakaroon siya ng paghanga sa kapwa lalake tulad na lamang ng Hollywood actor na si Timothee Chalamet na nakilala rin sa gender-bending genre na “Call Me By Your Name.”



Bagama’t may mga nagdududa sa kanya, itinuturing lang niya ang lahat bilang parte ng kanyang trabaho.

“Hindi po ako masyadong mahilig magbasa ng comments kasi personally, ako po medyo may pagka-sensitive po ako.

“Hindi nga po ako sanay sa… Mahiyain nga po akong tao and medyo private. Pero natuto na rin po akong magbasa sa criticism po ng ibang tao at marami po akong nakikitang pinagdududahan nga yung pagkalalaki ko which is for me is like the best compliment ever. Kasi ibig sabihin na-justify ko yung role, kaya wala din po akong masyadong problema do’n,” katwiran ng aktor.

Hindi rin niya isinasara ang posibilidad kung magkaroon siya ng feelings sa kapwa lalake.

“Hindi po ako nagsasara ng ano… Feeling ko po trabaho ko rin as an artist, as an actor, I need to be open minded all the time. I need to be ready for anything which I don’t know what will happen in the next year, the next couple of years in my life, pero I need to be ready for anything that happens.

“And I need to be accepting and open to it as long as hindi po siya mali. Ang tao naman po may likas na sense kung ano yung tama, mali at mararamdaman ko naman po yon. Nandito rin po yung magulang ko, pamilya ko, mga kaibigan para i-guide din po ako sa tama.

“Pero open lang po talaga ako parati. Hindi po ako natatakot sa kung anumang puwedeng mangyari,” paliwanag ng award-winning actor.

Si Elijah ay tinanghal na best actor para sa kanyang pagganap sa pelikulang Kalel, 15, sa 17th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy. (Archie Liao)