Advertisers
SUMAMPA na sa 139,538 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala nitong Martes ang Department of Health ng 2,987 sa mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,510 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 398 new cases, Laguna na may 144 new cases, Iloilo na may 135 new cases, at Cebu na may 119 new cases.
May 280 namang naiulat na bagong gumaling sa covid-19.
Dahil dito, aabot na ngayon sa 68,432 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 19 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 19 na nasawi, 8 ay ngayong Agosto, 7 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 3 noong Abril.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,312 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 87 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)