Advertisers

Advertisers

Duterte planong i-lockdown buong bansa kaso wala nang pera

0 250

Advertisers

Sa kabila ng pagnanais ay hindi magawang i-lockdown ng mahaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa dahil wala na umanong pondong nakalaan dito.
Ayon sa Pangulo, ito ang kanyang nais ipaunawa sa mga health workers na nanawagan ng time out kamakailan.
“Alam mo, sa mga doktor, sabihin ko sa inyo, hindi ko na sila (publiko) mapigilan, dahil po wala na akong pera na ibigay sa kanila. Kaya kailangan sila lumabas para magtrabaho. I-lockdown ko,ubos na yung pera na ibinigay ng congress na bigyan kayo ng ayuda. Yung pera panggasto,wala na ako niyan,” ani Pangulo.
Ayon pa sa Pangulo, pinapayagan niyang lumabas ang mga Pilipino para magtrabaho at ng may pangkain ang pamilya dahil hindi na sila kayang suportahan ng pamahalaan.
“Tatanggapin ko yan kasi di ko na kayo mapakain lahat eh. Noon may pangbigay ako. Kung merun ako pambigay. Ibibigay ko sa inyo araw-araw para mabubuhay kayo. Problem is funds are already depleted,” ani pa ni Digong. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)