Advertisers
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng PhilHealth dahil sa ngayon na kinakaharap na anomalyang korapsyon sa ahensya.
Sa virtual presser ni Pangulong Duterte na ginanap sa Panacan, Davao sinabi niya na hindi niya palalagpasin itong mga opiyal ng PhilHealth na mapapatunayan na sila ay sangkot sa korapsyon.
Tinutukoy niya lalo na yong nakakalusot sa iligal na ginagawa noon pang nakaraang administrasyon.
Aniya may tatlong ahensya ang nagsasagawa ng pag-iimbestiga sa PhilHealth kabilang dito ay ang Department of Justice, Office of the Ombudsman at Commission on Audit.
Dagdag ng pangulo, tutulong din aniya sa imbestigasyon gayundin pinayuhan ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go na hindi dapat pagbigyan ang mga sangot sa katiwalian sa pamunuan ng PhilHealth at maging kaniyang kaibigan. (Vanz Fernandez)