Advertisers

Advertisers

Holdaper todas sa engkwentro

0 312

Advertisers

PATAY ang isang holdaper habang nakatakas ang kanyang kasama nang makipagbarilan sa mga pulis na natiyempuhan silang hinoholdap ang isang babae sa Pasay City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Alberto Soriano, 46, ng Tramo St., Pasay. Nakatakas naman ang kanyang kasama sakay ng motorsiklo.
Ayon kay Roceselyn Jobelo, dalaga, service crew, ng Taft Ave., Pasay City, naglalakad siya sa Menlo St. 8:30 ng gabi nang hintuan ng riding in tandem. Tinutukan siya ng baril ng backride na si Soriano at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone. Hindi pa nakuntento, pinahuhubad sa kanya ang suot na alahas, kungsaan natiyempuhan ng nagpapatrolyang police mobile ang panghoholdap.
Nakita ng isa sa holdaper ang palapit na mga pulis kaya pinutukan ni Soriano. Gumanti ng putok ang mga parak at tinamaan si Soriano.
Nabawi ng mga pulis ang mga gamit na tinangay sa dalaga, pati na ang baril na ginamit ni Soriano sa panghoholdap. (Gaynor Bonilla)