Advertisers
KANYA-KANYANG diskarte ang mga rider para lagyan ng safety barrier ang kanilang mga motor sa Bohol.
May mag-asawa na takaw pansin nang ginawang safety barrier ang kanilang marriage contract, na pinalaki at pina-laminate.
Anila, requirement ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagkakaroon ng barrier at marriage contract para payagan ang magka-angkas sa motor.
Matatandaang tanging mag-asawa o mag-live-in lang ang pinayagan ng gobyerno na magka-angkas sa motor para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (PTF team)