Advertisers
INANUNSYO ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na pansamantalang isasara ang tanggapan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa Manila City Hall.
Batay sa abiso ng OSCA, ang lockdown ay nagsimula noong Lunes (March 15) hanggang Marso 31 kungsaan walang kahit anong magaganap na transaksyon dito pati na sa lahat ng kanilang District Satellite Office sa lungsod.
Naglabas naman ng Help Line Numbers ang OSCA upang patuloy silang makapaghatid ng serbisyo sa mga senior citizen: 8571-3578; 8961-8071; at 8808-9147.
Muling magbubukas ang mga tanggapan ng OSCA sa Abril 5, 2021. (Jocelyn Domenden)