Advertisers
PATAY ang isang CAFGU member nang pagbabarilin sa Purok Lapu-lapu, Barangay Commonwealth, Aurora, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Cane Laruscain, 43, aktibong CAFGU member ng 53rd Infantry Battalion at residente ng Purok Rubia, Barangay Kahayagan East sa parehong bayan.
Ang salarin ay kinilalang si Nissan Uba, 48, foreman at residente ng Purok Voganvilla, Barangay Cabatan, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.
Sa report, nagtungo ang biktima sa isang construction site kungsaan nagtatrabaho ang foreman upang humingi ng larawan nito ngunit nauwi sa matinding pagtatalo nang tumanggi ang huli, dahilan upang barilin nito ang una ng makailang beses.
Mabilis na tumakas ang foreman nang mapatay ang CAFGU.(PTF team)