Advertisers

Advertisers

PBA nagtatag ng working group para sa 3×3 tournament

0 251

Advertisers

NAIS pa rin ng Phi­lippine Basketball ­Association (PBA) na magsagawa ng 3×3 tournament, kahit na nakatengga ang lahat na aktibidad ng liga simula noong Marso dahil sa novel coronavirus pandemic.
Inanunsyo ni PBA commissioner Willie Marcial kahapon na lumikha sila ng wor­king group na ma­ngasiwa sa proyekto.
Chairman ng committee ay si Alaska’s Dickie Bachman, bahagi ng grupo sina NorthPort’s Erick Arejola, Phoenix’s Atty. Raymond Zorilla, at PBA technical official Joey Guanio,Ronnie Magsanoc kinatawan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa grupo.
“They will form the system, policy, guidelines, format, and everything about the tourney,” wika ni Marcial.
“Actually, may naila­tag na,” dagdag nya. “They will make the ­finer details and complete the action plan.”
Optimistiko si Marcial na ang 3×3 tournament ay magaganap sa susunod na taon, depende sa sitwasyon ng COVID-19 crisis.