Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IPINAGDIWANG ni Claudine Barretto ang birthday ni Rico Yan last March 14, na kasama pa niya ang sister ng yumaong actor na si Tina Marie Yan.
Sabi ni Claudine, gusto lang nilang maalala si Rico sa kaarawan nito kaya nagkaroon ng salu-salo sa kanyang bahay.
Ipinakita pa nina Claudine at Tina ang pagkain na inihanda kasama na ang padala ng fans nina Rico at Claudine.
Puring-puri ng fans si Claudine dahil hindi nito nakalilimutan ipagdiwang ang kaarawan ng yumaong actor at death anniversary nito.
***
SINGOT ni Sharon Cuneta ang isang basher na nag-comment nang hindi maganda sa kanya at ikumpara pa ang ganda niya kina Anne Curtis, Liza Soberano at Bea Alonzo.
Comment kasi ng basher, “Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza at Anne, baka di ka napansin. Kung kamukha mo sana mommy mo pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo e.”
Hindi pinalampas ng Megastar ang comment ng basher para ipagtanggol ang sarili. Marami ang naaliw sa sagot ni Sharon at tinawag pa niyang engot ang basher.
“E di ka nag-iisip; Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila eh maganda na ako!
“Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!
“Alam mo ang ganda, sampusampera. Ang hindi maipaliwanag ng at sa tao, ay yung tinatawag na X-factor. Puede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot,” buwelta ni Sharon.
Ipinagtanggol din ang Megastar ng mga Sharonian at nagsabi na bukod sa maganda, mabait at mahusay na actress ang kanilang idolo.