Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KAMAKAILAN ay na-interview ni Ethel Booba si Bea Alonzo sa kanyang vlog. Sinabi ng huli sa aktres na ang gusto niyang susunod na magiging boyfriend ay hindi na celebrity.
Lahat daw kasi ng naging boyfriend niya before ay mga celebrity. Pero hindi rin naman daw niya masasabi kung sino ang mapipili ng puso niya. Basta’t hanggat maari ay ayaw niya na ng celebrity.
At sana raw kung sino man ang bago niyang makakarelasyon ay hindi na magiging sakit ng kanyang ulo. Pagod na raw siya sa sakit ng ulo. Well, sino kaya sa mga naging boyfriend ni Bea ang naging sakit ng kanyang ulo? Una niyang naging boyfriend ang namayapang aktor na si Miko Palanca. Sumunod ay si Zanjoe Marudo at ang huli ay si Gerald Anderson Sino nga ba sa tatlo, Bea?
***
BINALAAN ni Kris Aquino ang mga nambu-bully at nang-iintriga sa mga anak na sina Josh at Bimby.
Unang inintriga si Josh na sinasabing nakabuntis umano ito. Hinamon ni Kris ang mga nambabatikos na pangalanan at ipakita kung sino ang babae.
Ang anak na si Bimby naman ay inulan ng batikos mula sa netizens at sinasabing bakla umano ito.
Ayon kay Kris, “I know my son doesn’t identify as being gay, but in the event he ever does, he will still be my son. The bullying you are doing is a reflection of your homophobic attitudes that are no longer welcome in 2021.”
Pagtatapos ng Queen of All Media, lubayan ng mga ito ang anak niya at mananatili siyang private citizen, ngunit kung patuloy itong babatikusin ay maaaring masagad na ito.
O di ba, galit si Kris? Siyempre nga naman, involved na kasi ang mga anak. Bilang isang ina, masakit para sa kanya na intrigahin at batikusin sina Josh at Bimby.