Advertisers

Advertisers

Wala na ang PECO, welcome More Power

0 300

Advertisers

TAPOS na ang panahon ng PECO (Panay Electric Company). More Power (More Power and Electric Corp) na ang nagpatuloy sa pagpapadaloy ng elektrisidad sa Iloilo ngayon.

Ayaw nating maniwala na hindi naging maganda ang serbisyo ng PECO sa mga Ilonggo sa kanilang kapanahunan.

Pero napag-alaman natin mula 2019 technical study ng Miescor Engineering Services Corp ay tumaas ng 9.3 % ang system loss na binabawi naman nito sa bulsa ng consumers. Tsk tsk tsk…



Kaya pala palaki nang palaki noon ang bill sa koryente ng mga Hiligaynon. Anak ng PECO talaga! Masasabi tuloy natin na isa ang Iloilo sa mga lalawigan na may may pinakamataas na singil sa koryente. Dipuga!!!

Nariyan pa ang maya’t mayang brownout dahil sa overloading sa linya ng koryente at madalas na pagkakaroon ng sunog na sanhi ng faulty electrical wiring.

Pero mapuputol na ang maliligayang araw ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng illegal connection sa 42 barangays sa Iloilo City. Ayon kay Ariel Castañeda, hepe ng apprehension team ng More Power, sa paglulunsad ng kanilang grupo ng “Oplan Valeria” sa loob lamang ng 10 araw ay 4,000 illegal connections na ang nabaklas nila. Anim katao na nga raw ang kinasuhan ng More Power sa paglabag sa Anti-Pilferage Law.

Banta naman ni More Power Legal Officer Atty. Allana Babayen-on, bukod sa malaking multa ay mahaharap din sa pagkakulong ng hanggang 12 taon ang jumper users.

Hinihimok naman ni More Power president Roel Castro ang mga barangay at iba pang sektor na makipagtulungan sa pagresolba ng talamak na power pilferage sa lalawigan upang maging mas maayos ang distribution system at tuluyan nang mawala ang mga brownout.



Pero heto ang pinaka-good news. Hindi sana ito praise release lamang ng More Power. Nangako ang bagong distribution utility na pabababain nila ang electricity rate sa lalawigan sa pamama-gitan daw ng ginagawa nilang pagmodernisa sa transmission system at network at pagresolba sa jumper. Sa loob daw ng 3 taon ay matutuldukan na nila nila ang mga negatibong isyu sa distribusyon ng elektrisidad sa Iloilo City. Yahoo!!!

***

Epektib ba talaga ang ECQ (Enhanched Community Quarantine)? Yes! Ito rin kasi ang ginawa ng maraming bansa nang lu-sawin nila ang coronavirus disease 2019 (COVID ‘19).

Pero hindi katulad sa Pilipinas na mag-anim na buwan na nga-yong nasa ilalim ng quarantine, dumaan pa sa 2 months total lockdown (ECQ), ang mga karatig bansa sa asya ay pababa na ang risk, ilan nga sa kanila ay negatibo na.

Ang problema kasi sa Pilipinas ay ang mga tao, hindi napipi-gilang gumala kahit nasa ECQ. Kasi nga gutom! Kulang sa ayuda ang gobierno. At nang maglabas ng ayuda, binulsa naman ng mga opisyal. Mismo!

Bukod dito, halata na walang matinong programa ang gobierno para masugpo ang covid. Ang laging binabanggit ng pangulo ay maghintay ng vaccine. Eh… kailan pa yun madidiskubre? Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

Bakit hindi nalang gayahin ng mga opisyal mula Presidente ang Lebanese government na nagsibitiw sa tungkulin matapos tuligsain ng kanilang mamamayan dahil sa malaking pagsabog sa kanilang pier dulot ng kapabayaan, pag-imbak ng tone-toneladang kemikal na gamit sa pampasabog sa bodega roon, kungsaan kulang isandaan katao ang nasawi at higit sa 3,000 ang sugatan. Higit sa lahat ilang bilyones na halaga ng ari-arian ang napulbos.

Noong bumagsak ang ekonomiya ng Japan, nag-anunsyo ng pagbitiw sa tungkulin ang kanilang Prime Minister na si Abe. Pinigilan lang siya ng nakararaming mamamayan, sinabihang ayusin nalang ang pamamahala.

Bakit hindi rin ito gawin ng Philippine gov’t. Magbitiw silang lahat, bigyang daan ang mga may bagong ideya. Ang pagbibitiw sa panahong ito ng pandemya na tila walang wakas, sa aking damdamin, ay act of heroism. Say nyo, mga pare’t mare?