Advertisers
SA social media ng Titanic action star at senador na si Bong Revilla eh malungkot nitong ibinalita na pati siya ay hindi nakaligtas sa killer virus.
Sa isinagawang swab test kay Sen. Bong, nagpositibo ito sa Covid-19.
Isang tauhan at kasambahay din nito ang nag-positive sa coronavirus.
Si Lani Mercado at pamilya nila eh negatibo naman sa Covid.
Naka-isolate at naka-quarantine na si Bong at patuloy na humihiling ng panalangin sa lahat.
***
PATULOY na dumarami ang may Covid sa bansa dahilan para mawalan ng work ang maraming Pinoy.
Sa kabila na hindi sang-ayon ang manager ni Liza Soberano sa pag-anunsiyo nito na mayroon silang project ni Enrique Gil, true naman daw na may gagawin ang LizQuen sa bakuran ng Star Cinema at si Cathy Garcia-Molina ang magiging direktor.
Dahil lock-in ang sistema ng shooting ngayon na kung ilang linggo o buwan ang shoot sa location eh doon na mananatili.
Pero dahil sa Covid eh mahirap na nga raw isapalaran ang kalusugan ng tao.
At dahil wala pang trabaho kahit pa priority ni Liza ang work eh minabuti ng magandang aktres na magbalik-eskwela o ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-aaral ng BS Psychology.
Pinaboran naman ito ng manager ni Liza kaysa isapalaran ang kalusugan nito pero kung may trabaho eh pipiliin pa rin daw ni Liza na mag-work.
Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)