Advertisers

Advertisers

Barbie pinaiyak ng dyowang si Jak; EA pumokus sa pagluluto ngayong quarantine

0 248

Advertisers

TULAD ng marami sa atin, nakahanap din ng bagong libangan ang Kapuso actor na si EA Guzman habang hindi pa sila bumabalik sa taping.

Kuwento ni EA, nakahiligan na niyang gumawa ng iba’t ibang gawaing bahay ngayong quarantine at kabilang na rito ang pagluluto.

Aniya, “Since nag-start ‘yung ECQ, mas naging focused ako sa gawaing bahay. May time na ako para makatulong sa mommy ko na maglaba at maglinis ng sarili kong kuwarto.”



“And mas marami akong natutunan na iluto from my mom. Every dinner, tuwing kakain kami, nagpapaturo ako sa kanya. Tinitingnan ko ‘yung pinapakain niya, ano-ano ‘yung ingredients, at kung paano iluto iyon.”

Ginawa na rin nga niyang negosyo ang hilig sa pagluluto via “Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie.” Hango ito sa mga luto ng kanyang ina.

Nagpapasalamat ang Kapuso star dahil kahit kasisimula pa lang ng kanilang business ay tinangkilik agad ito ng customers kaya naman successful ang naging dry run noong Lunes (August 3). Fully booked na raw ang kanilang reservations sa mga susunod na linggo.

***

KAKAIBA ang naging sorpresa ni Jak Roberto para sa 23rd birthday ng girlfriend na si Barbie Forteza.



Kuwento ni Jak sa latest vlog niya, “Ang plano ko ngayon, ipa-prank ko siya na kunwari nakalimutan ko ‘yung birthday niya. Alas dose na ngayon, hindi ko pa siya binabati ng birthday niya. Hindi ako nagme-message sa kanya, hindi rin ako tumatawag.”

Pagdating sa bahay ni Barbie, patagong nag-set up ng camera si Jak at patay-malisyang nakipag-kuwentuhan, habang kapansin-pansin naman ang pagkabalisa ni Barbie.

Maya-maya, nagpaalam si Jak na aalis para magpa-carwash. Sagot ni Barbie, “Aalis ka ulit? Pagka-carwash mo kaya, umuwi ka na lang?”

Paglabas ni Jak, kinuha lang nito ang regalo at bulaklak, saka bumalik sa loob para sorpresahin na nga ang girlfriend.

Naiyak naman si Barbie dahil inakala talaga niyang nakalimutan ni Jak ang kanyang birthday. Sa huli, masayang nag-celebrate ng kaarawan si Barbie kasama si Jak at ang pamilya niya. Comment ng subscribers at fans nilang dalawa, sana raw ay magtagal pa lalo ang relasyon ng #JakBie.

Samantala, habang naka-taping break si Barbie para sa ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday,’ patuloy pa rin siyang napapanood sa rerun ng ‘Meant To Be’ kasama si Jak sa GMA Telebabad. (Showbizteam)