Advertisers
PATULOY sa paglilinis ng naiwang “basura” ng Panay Electric Company (PECO) ang bagong distribution utility na More Power and Electric Corp. (More Power) sa Iloilo City.
Sa 2019 technical study ng Miescor Engineering Services Corp, natuklasan ang 30,000 illegal connections, dahilan ng pagtaas ng system loss na umabot sa 9.3 sa ilalim ng dating pamamahala ng PECO. Rason din ito ng overloading sa linya ng kuryente kaya naging madalas ang brownout na nagdulot ng grabeng perwisyo sa mga trabaho at negosyo ng mga Ilonggo na nagbabayad pa ng sobra-sobrang singil sa kanilang electric bill.
Upang mabaklas ang illegal connections o “jumper” ng kuryente, naglunsad ang More Power ng “Oplan Valeria” para siyang tumutok sa matagal nang problema sa mga jumper sa Iloilo City dulot ng kapabayaan ng PECO.
Ayon sa hepe ng Apprehension Team ng More Power na si Ariel Castañeda, nasa 42 barangays sa lungsod na ang nahulihan nilang gumagamit ng jumper. Inaasahan nilang madaragdagan pa ito sa pinaigting nilang kampanya laban sa illegal connection.
Banta ng Legal Officer ng More Power na si Atty Allana Babayen-on sa mga residente na mahulihan ng illegal electric connection, maaari silang maharap sa pagkakulong ng hanggang 12 taon bukod pa sa mataas na multa.
Nasa 6 katao na nga ang kinasuhan ng More Power ng paglabag sa Anti Pilferage Law. Ang mga ito ay napatunayang nasa likod ng sindikato na ginawang negosyo ang pagkakabit ng jumper.
Pinayuhan ng More Power ang mga nahulihan ng jumper na huwag nang bumalik sa pagnanakaw ng kuryente. Sa halip ay mag-apply na ng kanilang sariling ligal na kuntador ng kuryente.
Sabi ni Castaneda: “We’ve shortened the process even more. Pag-submit nila ng mga papeles from the City Engineer’s Office like the Electrical Safety Inspection Certificate and pay their bill deposit kahit partial lang na P1,000, we will install an electric meter right away, no fuss.” Aplay na!
Noong PECO pa ang nangangasiwa sa power service sa Iloilo City, isa ang lalawigan sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa bansa. Ang dahilan ay ang mataas na systems loss o ang nananakaw na kuryente na ipinapasa sa consumers, gayundin ang mga lumang pasilidad na nagpapahina sa power distribition.
Pangako ng More Power, pabababain nila ang electricity rate sa lalawigan sa pamamagitan ng ginagawa nilang magmodernisa sa transmission system at network at pagresolba sa jumper na target nilang matapos sa loob ng 3 taon. Yahooo!!!
Pakiusap lang ng MORE Power president, Roel Castro, makipag-cooperate sa kanila ang mga barangay sa pagtukoy sa mga jumper para tuluyang maresolba ang talamak na power pilferage sa lalawigan at maging maayos na ang distribution system para sa maliwanag na lungsod.