Advertisers

Advertisers

Julia trending ang sexy pictorial sa socmed; Janella enjoy sa pagiging ermat at misis

0 285

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HANDS-on sa pag-aalaga sa panganay na anak na si Baby Jude si Janella Salvador at pagiging asawa kay Markus Paterson.

Ipinost pa nga ni Janella sa kanyang socmed ang kasiyahan sa pagiging first time mom.



Bukod sa pagpapadede kay Baby Jude kaya naman kita na malusog ito ay nakasayanan na rin ni Janella ang pagpapalit ng diaper.

At the same time eh nagagampanan nito ang pagiging partner kay Markus.

Eto nga raw ang best na nangyari sa kanyang buhay, ang pagiging mom sa kanilang anak.

Nasanay na rin si Janella sa puyat na katuwang si Markus.

Wala raw katumbas na salapi ang kaligayahan ni Janella sa pag-aaruga sa kanilang anak.



May pahiwatig din ito na nagbabadya ng pagbabalik-trabaho pero at this point in time eh ini-enjoy at masaya ito sa pag-aalaga kay Baby Jude.

***

UMULAN ng maraming likes, hearts at fire emojis ang sexy photo ni Julia Barretto sa kanyang social media.

Ngayon nga na lantad na ang relasyon nila ni Gerald Anderson eh pinainit naman nito ang socmed sa kanyang mga sexy pictorial.

Sa mismong 24th birthday ay ibinahagi ni Julia ang kanyang mga larawan na hot na hot.

Kahit nga si Gerald ay napa-wow sa kaseksihan ng aktres.

Dedma at wala na nga raw care sina Julia at Gerald sa kanilang haters.

Basta ang alam nila ay happy sila at magaan na sa dibdib na lantad na ang kanilang relasyon.

Basta kay Julia ay na-proud ito sa bf sa kanyang pag-amin sa kanilang relasyon.

Abangan pa nga raw ang ilang larawan nina Julia at Gerald na sweet na magkasama sa mga lakaran.

Kaya mamatay raw sa inggit ang kanilang bashers.

Well, well, well…’Yun na!