Advertisers

Advertisers

Kung meron ang ex-hubby… Sharon ‘di nagpatalbog kay Gabby, may bagets na leading man na rin

0 297

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGSIMULANG ipareha si Gabby Concepcion sa mga younger leading ladies nang lumipat siya sa GMA 7 mula sa Kapamilya Network.

Una nga si Carla Abellana na ilang years ang bata kaysa Gabby, nasundan ito ng isa pang mas bata na si Jennylyn Mercado.



And now, here comes Sanya Lopez, ang bagong leading lady ni Gabby sa “First Yaya” na kung susumahin ay halos ilang dekada ang agwat ng kanilang edad.

But wait,  may intriga ngayon si Gabby at sa dating asawang si Sharon Cuneta, tsikang ‘di raw nagpahuli ang Megastar na hindi magpabebe dahil  sa bagong movie na ginagawa ni Sharon  na may pamagat na “Revirginized” under Viva Films, mas may edad pa ang panganay na anak na si KC Concepcion kaysa kanyang bagong leading man na si Marco Gumabao.

Tuwang-tuwa naman ang mga followers ng loveteam ng dalawa nang mag-post si Sharon ng isang larawan na kasama ni Gabby si Sanya at si Sharon kasama si Marco.

Nilagyan pa ito ng caption ni Sharon ng: “Kala mo ikaw lang may batang partner ha?! Game ka na ba?! Ako walang kaproble-problema. You na lang hinihintay ng bansa!”

Bukod sa kilig ay naghatid din ng pag-asa sa mga maka-Sharon-Gabby ang tila paghahamon ni Mega kay Gabby na ituloy na ang naudlot na pagtatambal nila sa isang pelikula.



Kung matatandaan ay kasado na ang lahat sa balik-tambalan ng dalawa pero nang mag-uumpisa na sana ang shooting ay nagback-out si Gabby for personal reason na ginalang naman ni Ate Shawie.

***

SAMANTALA, ilang buwan na rin naman ang nakalilipas nang malagay sa isang kontrobersiya ang Megastar sa balak niyang hakbang na idemanda ang isang netizen nang idamay nito sa kanyang komento sa isang social media platform ang pangalan ng anak na si Kakie Pangilinan.

Ayon sa pinost ng naturang netizen na nasa legal age na rin naman, kung menor de edad lang daw siya ay rereypin niya si Kakie at hindi siya makukulong.

Hindi ito pinalagpas ni Ate Shawie, talagang niresbakan niya ang naturang basher to the point na kahit daw maubos ang kanyang kayamanan ay gagawin niya maipakulong lang ang naturang basher.

Dahil dito ay maraming sumang-ayon kay Shawie at mayroon ding mga netizen na kumampi sa basher. Tila pinagpistahan si Sharon sa isyu at nanahimik ang kanyang kampo ng ilang buwan hanggang sa tuluyan na ngang ‘nanahimik’ din ang mga basher.

Ayon kay Ate Shawie, dahil hindi naman siya lumaki sa pagkokomento nang negatibo sa social media ay nag-init daw si Mega nang batikusin ang kanyang anak.

Say pa rin niya okey lang daw na i-bash siya at mananahimik na lang siya pero ibang usapan na raw pag anak na ang kakantiin.

Sa ngayon at nalalapit na ang national eleksyon at inaasahan na ni Sharon ang iba pang negatibong komento na ipupukol sa kanya at sa kanyang pamilya lalo pa nga’t active sa politics ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.