Advertisers

Advertisers

Sarah at Richard naka-isang taon na mula nung pandemic wedding; Piolo at Jasmine hinubad ang wholesome image para sa daring roles

0 490

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA dami na nga raw ng pelikula na nilabasan ni Piolo Pascual ay sa project na RLF (Real Life Fiction) ito bumigay kasama si Jasmine Curtis Smith.

Kaya naninibago  nga raw ang mga manonood sa RLF nina Piolo at Jasmine.



As in, bigay todo at maraming revelations sa RLF na ipinakita nina Piolo at Jasmine na pati ang direktor na si Paul Soriano ay namangha.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay binura pansamantala ni Piolo ang kanyang wholesome image sa RLF ganundin si Jasmine.

Dito nga raw nagpaka-daring sina Piolo at Jasmine na ‘di sukat akalain ng direktor na magagawa ito ng dalawang bida sa RLF.

Si Direk Paul nga lang daw ang nakapagpagawa ng ganitong daring scene kina Piolo at Jasmine.

Ang language naman na ginamit ay English kaya  puwede itong ilaban international.



***

PARANG  kailan lang eh naka-isang taon na pala ang tinaguriang pandemic wedding nina Richard Gutierrez  at Sarah Lahbati noong March 14 2020.

Intimate lang ang ginanap na kasalan noon dahil sa health protocols  na pinatutupad ng ating gobyerno  kaya iilan lang ang bisita na super close sa pamilya.

Ayon kay Sarah eh always naman na anniversary  at Valentine sa kanila at lagi sila lumalabas ni Richard ‘pag may time.

Walang sinabi ang mag-asawa kung may celebration ba na magaganap sa couple.

Pero ayon sa sitsit eh malamang na mag-out of town ang mag-asawa siyempre bitbit ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kia.

Well, well, well…’Yun na!