Advertisers

Advertisers

MECQ extension sa Metro Manila pag-aaralan pa ng IATF

0 216

Advertisers

Wala pang rekomendasyon ang Inter Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte kung magkakaroon ng extension ang ipinapatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o ibabalik sa General Enhanced Community Quarantine (GECQ) sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.
Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, wala pang announcement o ipapahayag dahil patuloy parin ang pagkalap ng Technical Working Group (TWG) ng mga datos at pag-aaral sa magiging rekomendasyon sa Pangulo.
“Hindi pa magkakaroon ng announcement diyan kasi ang ating TWG sa data analytics ay sa Wednesday pa naman ito mag-present at doon ire-recommend kung ano yung magiging sunod na classification.”
Sinabi ni Año na kailangan nila ng sapat na basehan. Tinitingnan yung case doubling rate, healthcare utilization rate at mga modifiers sa socio economic risks at saka yung comparative rising cases.
Inihayag din ni Año na wala pa rin umano rekomendasyon ang Metro Manila Council kaugnay ng ipinapairal na MECQ.
Ani Año, magpupulong pa lang sila ng mga LGU upang kunin ang kanilang pulso at rekomendasyon ngayong linggo na ito.
Magugunita na ibinalik ni Pangulong Duterte sa MECQ ang Metro Manila at karatig na lalawigan noong Agosto 4 hanggang 18 dahil na rin sa panawagan ng mga medical frontliner upang matugunan o mapag-aralan ang mga ipinapatupad na mga policy upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng pandemiya sa bansa. (Mark Obleada)