Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BUKOD sa uumpisahan nang teleserye ng Queen of Creative Colaboration na si Heart Evangelista, ang “I Left My Heart in Sorsogon” na leading man si Richard Yap, excited din ang aktres sa nakarating sa kanyang kaalaman na matutuloy na ngayong taon ang nakatakda sanang premiere night ng isang international movie na ginawa niya sa China noong 2019.
Mayroon sana itong World Premiere Night sa Los Angeles, USA at sa Hong Kong last year pero dahil sa pandemya sa buong mundo ay na-postpone ang naturang premiere night.
Say ni Heart, sobrang dusa ang inabot niya physically sa naturang movie nang gawin niya ito dahil sa action ang genre at bugbog-sarado ang buong katawan ni Heart sa mga action scenes pero okey lang ito sa kanya dahil maganda naman ang kinalabasan ng kanyang mga maaksyong eksena.
Bukod dito ay nakatakda ring gumawa ng isang proyekto si Heart sa New York ngayong Agosto at kung anuman ang international project na ito ay no comment muna ang Kapuso actress.
Samantala, sa teleseryeng “I Left My Heart in Sorsogon” na magiging kauna-unahang teleserye ni Heart pagkatapos niyang magpahinga ng halos ilang taon at abutan ng pandemya ang bansa. Ayon kay Heart, excited siya na simulan na ito since kanya ang konsepto ng naturang serye at sa bayan pa ng mister sa Sorsogon kukunan ang maraming eksena.
Exctied din siya dahil first time niyang makakasama sa proyekto ang bagong leading man na si Richard Yap.
***
BUKOD sa matinding bangayan at bugbugan nina Aiko Melendrez at Katrina Halili sa katatapos lang na super hit na “Prima Donnas” ay malaki rin ang ambag na factor ng mga bagets sa teleserye na sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Elijah Alejo at Althea Ablan, kung bakit naging hit ito sa televiewers.
Sa pagbabalik sa ere ng naturang serye sa ikalawang aklat nito ay may mga pagbabagong magaganap sa mga bagets na mas lalong magpapanabik sa mga followers nila.
Una na rito ay ang muling pagpasok sa serye ni Sofia na ngayon ay nagbabalik na pagkatapos palabasin sa istorya ng ‘Prima Donnas’ na nag-aral sa abroad dahil below 15 years old lang siya that time na magbalik-taping ang serye under new normal at hindi nga nakasama.
Isa pa sa pakakaabangan ang nakakainis na karakter ni Brianna na ginampanan ni Elijah. Sa pagtatapos ng Part 1 ay tila bumait ang kanyang karakter but wait, babait na nga ba si Brianna sa book 2?
Samantalang ang karakter naman ni Althea na may pagka-boyish ay tuluyan na bang magiging isang girlish sa Book 2?
“Tingnan natin kung magiging girlie ba siya something ganyan kasi di ba, kasi si Brianna dahan-dahan tinuturuan manamit si Donna Belle, di ba? So let’s see sa Book 2,” saad ni Althea.