Advertisers

Advertisers

Wala na dapat patunayan… Angelica magreretiro na sa teleserye

0 234

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

IBINUNYAG ni Angelica Panganiban na ang “Walang Hanggang Paalam” ang huli na niyang teleserye.

Gusto na raw niyang magretiro sa paggawa ng TV soaps dahil wala na naman daw siyang kailangang patunayan.



Aniya, pinag-isipan daw niyang mabuti ang kanyang desisyon na magpahinga na sa paggawa ng soap operas.

“Yung decision naman na ‘yun hindi naman yun overnight. Siyempre ilang taon kong iniisip,”aniya. “Bakit ko pinapagod ng ganito yung sarili ko?’ and to think na simula six years old ako pinapagod ko na sarili ko. So parang kelan ka titigil? Tapos parang may mga question ako sa sarili ko na, ‘Ano pa ba ang gusto kong i-prove?’ Lalung-lalo na pagdating sa teleserye,” dugtong pa niya.

Sey pa ni Angge, ayaw din daw niyang dumating ang panahon na pera na lang ang dahilan kaya niya ginagawa ang isang serye.

“Hindi naman sa nawawalan ako ng gana kaya lang ayokong umabot ako dun na hindi ko na gusto yung ginagawa ko bago ko siya tigilan,” pagbabahagi niya.

Dagdag  pa niya, gusto niyang iwan ang paggawa ng teleserye na may mataas na respeto sa kanyang trabaho at magagandang alaala sa lahat ng seryeng kanyang nagawa.



Ayaw din niyang dumating ang panahon na isipin ng mga tao na hilaw ang acting niya sa isang serye dahil hindi na gustong gawin pa ito.

Ang paggawa raw ng mga teleserye ay puwede na niyang ipasa sa nakababatang henerasyon.

“Okay na ako. Masaya na ako sa mga nagawa ko. Parang puwede ko na ito ibigay sa mga susunod na generation. Sila naman. Kaya naman nila yan,” pagtatapos ni Angelica.

***

PANDEMIC LOVETEAM GRAE AT KIRA, SUMUSUNOD SA YAPAK NINA LLOYDIE AT BEA

Ayon kay Kira Balinger, noong nalaman niyang magkakatrabaho sila ni Grae Fernandez, kinilig daw talaga siya.

Maituturing niyang blessing in disguise rin ito dahil sa panahon ng pandemya, nabuo ang kanilang love team.

Naging oportunidad daw ang lock-in tapings nila para maging malapit sila sa isa’t isa.

Tulad niya, nakita rin daw niya kung paano ka-passionate ang young actor sa kanyang trabaho.

Marami rin daw silang bonding moments ni Grae sa taping ng “Ang Sa Iyo ay Akin” lalo na sa pagsasalo sa pagkain.

Ayaw naman niyang tumbukin kung nanliligaw na sa kanya ang actor pero hindi raw niya isinasara ang kanyang puso.

Gayunpaman, prayoridad daw nila ang kanilang karera muna sa ngayon at ayaw nilang sayangin ang oportunidad na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN sa una nilang tambalan.

Flattered din sila kapag sila ang sinasabing pandemic love team na susunod sa yapak nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Sa “Ang Sa Yo ay Akin,” ginagampanan nina Kira at Grae ang papel ng star-crossed lovers na naipit sa away ng friends turned enemies na sina Marisa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado.)

Ang pinag-uusapang teleserye ng bayan ay nasa huling dalawang linggo na.