Advertisers

Advertisers

P23.5m ecstacy buking sa kape at laruan

0 260

Advertisers

MAHIGIT sa P23.5 milyon halaga ng party drugs o ecstacy ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA (BOC-NAIA) mula sa iba’t ibang kargamento matapos na ideklara itong “Kids Toys” at “Coffee”.
Ayon sa BOC, umabot sa 13,824 tabletas ang nadiskubre sa pitong packages (na nasa P23,500,800 ang street value) ng laruan at kape sa pamamagitan ng Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse sa Pasay City.
Ang mga package ay isinailalim sa 100% physical examination kung kaya’t nabuking na ecstasy ang laman ng mga ito. Galing sa Netherlands at Belgium ang mga kargamento na idineklarang “Caffe Gondoliere Espresso Beans, Caffe Gondoliere Creme Bonen”, “Gondoliere Coffee (Arabica)”, “Granulaat”, “Snoepjes”, “Coffee DE (Espresso)”, “DE Coffee (Aroma Red) (Mocca)”; at “Fishing Bath, Energy Saving LED Light, Pillow for Kids, Disney Pixar – The Secret Life of Pets”.
Ang mga nasabing iligal na droga ay itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).(Jojo Sadiwa/Gaynor Bonilla/Jocelyn Domenden)