Advertisers

Advertisers

Katutubo, hinangaan sa suot na face mask na yari sa bao ng niyog

0 364

Advertisers

VIRAL ngayon ang post ng isang netizen na nagpapakita ng kakaibang mask ng isang katutubong Mangyan mula Oriental Mindoro.
Ayon sa ulat, hindi surgical face mask at hindi cloth mask ang suot ng katutubo kundi pinakinis na bao na kanyang ginawa.
Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Vholet Kulit, nakilala niya ang katutubong Mangyan na si Lido Banay mula sa Bulalacao, Oriental Mindoro.
Sa larawan, makikitang natatakpan naman ng pinakinis na bao na may tali ang kanyang ilong at bibig na siyang prinoprotektahan ng mask upang hindi mapasukan ng kinatatakutang COVID-19.
Mapapansin din na may suot pa siya sa kanyang mata na tila isang face shield bilang panangga sa virus na maaring makapasok roon.
Hinangaan si Tatay Lido sa kanyang diskarte na magkaroon ng face mask at face shield na kanya lamang ginawa.
Pinakita rin niyang sumusunod siya sa safety protocols ng Kagawaran ng Kalusugan na dapat magsuot ng face mask lalo na kung nasa pampublikong lugar.
Samantala, nais din ng netizens na mabigyan sana ng totoong face mask ang mga tulad ni Tatay Lido.
Bagaman at natatakpan nga ang kanyang ilong at bibig, wala paring kasiguraduhan ang kanyang kaligtasan sa virus kung mask na yari sa bao ang lagi niyang suot.(PTF team)