Advertisers
UMABOT sa 546 indibidwal ang inaresto dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Angeles, Pampanga.
Ito ay dulot ng pinaigting na kampanya ni City Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa ilalim ng Ordinance No. 546.
“Ito po ang mga hakbang na ginagawa natin upang pagtibayin ang pagpapatupad ng Ordinance No. 546, particular ang mga regulasyon upang mapanatiling ligtas ang kalusugan ng bawat Angeleño,” ani Lazatin.
“Ito ay upang mas lalong mapalawak pa ang kaalaman ng mga Angeleños at para maprotektahan nila ang kanilang mga sarili mula sa Covid-19,” sabi ng alkalde.
Nagbabala rin si Lazatin sa mga parusang posibleng kaharapin ng mga lalabag sa kanyang kautusan.
Sa datos nitong Sabado, Agosto 8, mayroon silang 105 Covid-19 patients , 56 dito ang aktibong kaso; 43 nakarekober; at anim na nasawi. ( Ace Ramales)