Advertisers
NAGSIMULA nang mag-recruit ang Stallion Laguna para sa paparating na Philippine Football League season.
Nitong Linggo ay pinapirma ng club ang midfielder na si Finn McDaniel.
“I am extremely blessed to announce that I have signed my first professional contract with Stallion Laguna FC,” wika ni McDaniel sa kanyang pahayag sa Instagram.
Ang 20-anyos ay miyembro ng Philippine team na sumabak sa Southeast Asian Games nakaraang taon.
Ang under-22 Azkals ay gumawa ng pangalan nang talunin ang Malaysia sa Sea Games sa unang pagkakataon sa loob ng 28 years.
Kasapi din si McDaniel sa U22 Azkals squad na sumabak bilang guest team sa Copa Paulino Alcantara nakaraang taon.
Ang U22 Azkals ay ginagamit ang cup bilang bahagi ng kanilang buildup para sa SEA Games.
Stallion Laguna president at head coach Ernie Nieras ay party ng U22 Azkals coaching staff.
Si McDaniels ay naglaro sa US NCAA Division 1 School California Baptist University bago nag decision na mag pro. PNA