Advertisers
NAKAPAGTALA muli ng 2,067 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Marso 2.
Samantala ay mayroon namang naitalang 144 na gumaling at 47 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (33,610) ang aktibong kaso, 92.1% (534,463) na ang gumaling, at 2.13% (12,369) ang namatay.
Nakapagtala rin ng 60 duplicates na inalis sa total case counts kung saan 2 rito ang recoveries.
Nasa 30 naman ang na-tag na recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.
Walo naman sa mga licensed laboratories ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa Covid-19 Document Repository System nitong Marso 1. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)