Advertisers
Ni BKC
INAABANGAN na ang ‘Greatest Hits’ virtual concert ng tinaguriang Princess of Love Songs at Aliw Awards International Multimedia awardee na si Diane de Mesa bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan.
Kasama ni Diane sa concert ang kanyang banda na LSS Sessionists na kabilang ang ilan sa kanyang mga orihinal na kanta.
Ito na rin ang magsisilbing official launch ng music video ng kanyang single na ka-duet si Emping, ang “Balang Araw.”
May collaboration din si Diane na kasama si Jan Gil para sa new version ng “Ikaw Pa Rin” na inareglo ni Elmer Blancaflor.
May mga special guest din si Diane na magco-cover ng kanyang mga kanta, sina Johnrhythm, Lae Manego, Prinsesa, Faith & Johnna Terano, Danalin, Zenna, Sparkly Girls, at Joe Valdes.
Malapit nang maka-1 million streams sa Spotify ang isa sa mga album ni Diane na “Fly Away.” Magaganda talaga ang kanyang mga awitin sa naturang album na maraming nakaka-relate. Pakinggan at i-stream ang kanyang songs sa Spotify at iba pang digital sites.
Kaugnay nito, may mga papremyo rin si Diane sa kanyang birthday virtual concert na may lucky 25 winners na pwedeng manalo ng raffle prizes na kaloob ng “Kissed by Nature,” “Health Naturals” and GCASH loads.
Sabay-sabay na panoorin ang virtual concert ni Diane sa Facebook Live sa “DDM Studio Live” page at “Channel 31 Online TV” page sa March 5 @ 8pm (California time) at March 6 @ 12pm (Philippine time).