Advertisers

Advertisers

2016 movie ni Alex na ‘My Rebound Girl’ #1 trending sa Netflix; Actress/Host/Vlogger namigay ng ayuda sa Taytay at Cainta

0 299

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

WOW, kahit na 2016 pa ‘yung movie ni Alex Gonzaga with Joseph Marco na “My Rebound Girl” under Regal Entertainment ay marami pa rin ang paulit-ulit itong pinanonood sa Netflix.

Dahil sa rami ng viewers nito na majority siyempre ay fans ng Youtube Superstar Vlogger na si Alex, naging #1 Trending ito kamakailan sa Netflix.



Ang ganda naman kasi ng said comedy-romance movie na dinirek nina Emmanuel dela Cruz at Crisanto Aquino. For sure, tuwang-tuwa sa balitang ito ang mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde at sina Alex at Marco syempre kasama ng kanilang co-stars sa movie.

Samantala, dahil sa umabot na sa 10 million subscribers ang Youtube channel ni Alex at alam niyang kailangang-kailangan ng kanyang viewers, subscribers, and supporters ay namigay siya recently ng ayudang P100K sa Taytay at Cainta, Rizal.

Bawat makita at makasalubong ni Alex na with matching interview kung pinanonood ba ang kanyang vlog at anu-ano ang upload niyang videos na nasagot ng karamihan na maging ang Mommy Pinty nito ay kilalang-kilala ng kanyang fans.

Sa panahon na ito na makatanggap ka ng P1K to P3K ay malaking tulong na ayon pa kay Mommy Pinty nang amin siyang i-text ay kusa at sariling desisyon daw ng kanyang youngest daughter na mag-share ng blessings.

Kaya kita niyo naman, super blessed si Alex na aside sa bagong endorsement na Villarica Pawnshop, soon ay magso-shoot naman ng bagong TVC niya for Vitamilk na matagal nang ineendorso.



Infairness, suwerte na sa career, lucky rin si Alex sa kanyang napangasawang si Lipa Councilor Mikee Morada. Kasalukuyang nagpapagawa ng mansion ang mag-asawa na balak ding magpatayo ng iba pang negosyo.

***

Marion Aunor Pinatunayan Sa Detractors Na Kayang Sumikat, Magso-shoot Na Ng Movie With Megastar Sharon Cuneta

 

Before kung anu-ano ang mga ibinabato na masasakit na salita ng detractors kay Marion Aunor na kesyo kaya Aunor ang gamit ng Viva artist ay dahil sa nakiki-ride on siya sa kasikatan ng kaanak na si Nora Aunor samantalang sila nga ng kanyang Mommy Maribel ang tunay na Aunor dahil ang totoong name ni Ate Guy ay Nora Cabaltera Villamayor.

Simula nang makilala ang mga kanta ni Marion at lumabas sa ilang top-rating shows ng ABS-CBN, tameme na ang ilang detractors ng Young Sultry Diva na pwede rin sa titulong Young Queen of Cover Songs. Yes, mula sa pagkakapanalo sa P-Pop Himig Love Songs ng Star Music ay marami nang napatunayan si Marion sa kanyang singing career patunay na hindi nito kailangan ng connection para makilala ng publiko.

Kahit nga ang dating popular Mom ng Apat Na Sikat na si Maribel ay hindi nito ginamit nang mag-audition noon sa Himig Handog. Samantala, pinasok na rin ni Marion ang paggawa ng pelikula at before pandemic ay nakagawa siya ng “TOGS” na pinagbibidahan nila ng international stage singer-actor na si Gerald Santos.

Isa itong romantic-comedy film na sinulat at dinirek ng Palanca awardee na si Direk Njel de Mesa. TOGS is highly anticipated movie musical about the hardships, heartaches, and struggles of the musicians na ang characters ay parehong ginagampanan nina Marion at Gerald.

Napanood namin ang trailer nito at mahusay si Marion sa eksena nila ni Gerald at nakipagsabayan siya ng acting sa nasabing leading man. After TOGS, may isang malaking project si Marion, parte siya ng cast ng comeback movie ni Sharon Cuneta sa Viva Films, at start na sila ng shooting last March 1.

Excited na ang dalaga ni Maribel sa latest film niyang ito lalo’t ang Megastar ang kanyang makakasama na nagawan niya ng  komposisyon na “Lantern.”

Very thankful si Marion sa management niyang Viva Artists Agency sa pagbibigay sa kanya ng magagandang projects.

“Yes I’m ready to shoot na. And I’m very thankful to my VAA family for giving this big opportunity na makasama sa isang movie si Ms. Sharon. Sana maibigay ko talaga ‘yung best ko for this movie,” say pa ni Marion na lalong gumaganda at sumeseksi.