Advertisers

Advertisers

Sino ang una sa billing? Catriona type makasama sa proyekto si Pia

0 225

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

UMAANGAL na sa malalaking bag na bitbitin si Maja Salvador kaya naman simula nang mag-pandemic eh inetsapuwera na niya ang mga ito.

Ayon sa aktres, napapagod at sumasakit na anya ang kanyang balikat sa pagdadala ng mga nasabing bag.



Ayon kay Maja, pinaliit na nga raw nito ang kanyang dalang bag at baby bag na lang. At siyempre laman nun eh mga disinfectant, alcohol, etc.

Iniiwan na nga lang daw nito sa kotse ang ibang mabibigat na dati nitong bitbit.

Kaya ayon naman sa followers ni Maja, nag- baby bag lang daw eh binintangan na itong buntis na agad.

Pagpapatunay na hindi nga buntis ang aktres kaya natatawa na lang ito sa nagkalat na tsika na siya ay preggy.

***



SA ngayon ay tutok si Catriona Gray sa kanyang singing career kaysa acting at hosting.

Willing si Miss Universe 2018 Cat na magsama sila sa project ng isa pang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Nakaisip nga ito ng concept sa show na pagsasamahan nila ni Pia.

Tiyak daw exciting ang klase ng show na ito na suhestyon ni Catriona. Ang tanong, magkasundo naman kaya sa billing ang dalawa ‘pag natuloy magsama?

For sure hindi big deal kay Catriona if ever mauna sa billing si Pia dahil nauna naman ito ng taon na nasungkit ang korona ng pagiging Miss Universe.

Well, well, well..’Yun na!