Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
RECENTLY ay tatlong beses nagsama sa proyekto sina Kate Valdez at Migo Adecer.
Bukod sa regular nilang teleserye na Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday, nagtambal ang dalawa sa recent fresh episode ng Magpakailanman at sa My Fantastic Pag-ibig na pinamagatang Exchange of Hearts.
Dahil ilang beses na ring magkatrabaho, ibinahagi nila ang mga katangiang gusto nila sa isa’t isa.
“Masaya siyang kasama. Hindi mawawala ‘yung kulit niya talaga. ‘Yung mga biglaang jokes. Minsan kapag mabigat ang eksena bigla na lang mangingiliti ganon. Hindi nawawala ‘yung fun side niya kaya I’m so happy and proud of him,” paglalarawan ni Kate kay Migo.
“Kate is so talented when it comes to acting. She’s able to multi-task [and] can show different emotions. She respects the people that she works for. She can accept harsh criticisms and better herself,” pahayag naman ni Migo tungkol kay Kate.
“She’s a family person. She’s always there for her friends. She’s kind. She’s matakaw,” dagdag pa niya.
Bukod kina Kate at Migo ay bida rin sa Anak Ni Waray Vs Anak ni Biday si Barbie Foteza, at sina Dina Bonnevie at Snooky Serna.
***
SIMULA nang umere ang fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, marami ang pumupuri sa mahusay na pag-arte ni Klea Pineda.
Makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punung-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n’ya na niloloko siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).
Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”
Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”
Dagdag pa isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”
Patuloy na abangan ang painit nang painit na mga eksena sa Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime!
***
VERY vocal si Ate Gay noon pa man sa pagsasabing ang male celebrity na crush niya ay actor/model na si Dominic Roque, kaya hiningan namin ang komedyante ng reaksyon tungkol sa napababalitang magkarelasyon ngayon sina Dominic at Bea Alonzo.
“Parang hindi sila bagay, parang kami ang bagay,” at muling tumawa si Ate Gay.
Nasaktan ba siya noong narinig niya ang balitang magkarelasyon umano sina Dominic at Bea?
“Hindi naman, mabait naman si Bea.”
Ano ang pinakagusto niya kay Dominic, bukod sa naguguwapuhan siya at mukhang pagkabangu-bango?
“Mabait din.”
Hiningan namin si Ate Gay ng mensahe para kay Bea.
“Bea, layu-layo ka nga,” humahalakhak na sagot ni Ate Gay.
Tampok si Ate Gay sa comedy film na Ayuda Babes.
Tampok din sa pelikula bukod kay Ate Gay sina Gardo Versoza, Petite Brockovich, Brenda Mage, Negi, Juliana Parizcova Segovia, at Iya Mina, at sina Joey Paras at Zeus Collins.
Introducing naman sina Bidaman finalist Dan Delgado, ang tinderang masungit sa Youtube na si Bernie Batin at ang Bubble Gum Pop Princess Christi Fider.