Advertisers

Advertisers

Carla ayaw ng pandemic wedding; Bela nagreak sa panawagan ni Sen. Bong

0 292

Advertisers

OKEY lang kay Tom Rodriguez ang idea na magpakasal sila ng girlfriend niyang si Carla Abellana ngayong may COVID 19 pandemic. Pero sa kaso ng Kapuso actress ay hindi siya kumporme sa ‘pandemic wedding’.

Ito ay kahit bukas ang longtime boyfriend niyang si Tom sa ideya na magpakasal sila ngayong may pandemic.

“Ako, okay lang,” sagot ni Tom kay Lyn Ching nang tanungin siya ng TV host sa posibilidad na ikasal sila ni Carla kahit may pandemya.



Na-interview ni Lyn si Tom sa GMA-7 morning show na Unang Hirit nitong Martes, August 4.

Kung game si Tom na magpakasal ngayong may pandemic, hindi raw sang-ayon dito si Carla.

“Nung tinanong ko siya, definitely no,” ani Tom.

Kaagad namang dumepensa si Lyn para kay Carla.

Natural lang daw na ganoon ang isagot ni Carla. Lahat daw kasi ng babae ay may dream wedding.



At sa dami ng restrictions sa mga nagpapakasal ngayong may pandemic, tiyak na hindi maisasakatuparan ang kasal na pinapangarap ni Carla.

Sabi ni Lyn, “Every woman has a dream scenario, you know.

***

KORINA NAGBILAD NG KATAWAN

Binulaga ni Korina Sanchez-Roxas ang social media dahil sa mapangahas niyang sexy photos.

“Just to report to you: from 118 days since Day One of lockdown on March 17. 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I’ve been able to MAINTAIN (that’s the REAL challenge). 20-50g carbs daily ONLY. Swimming. 5 lb weights. Kaya mo rin yan!” sey ni Korina.

Talagang hindi nga pakakabog ang broadcast journalist na kahit nasa 50s na ay bonggang-bongga pa rin ang katawan kaya hindi rin mapigilang maging inspirasyon siya ng iba sa pagiging fit.

***

NAG-REACT si Bela Padilla sa panawagan ni Sen. Bong Revilla na mamahagi ng libreng face mask at face shield sa publiko dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sey ng aktres: “124.5M can buy 1,245,000 face masks. #justsaying.”

Sa isang tweet naman na nagsabing “6.2 million face masks if retail (@ 1k for a box of 50), even more if may wholesale/bulk discount” ay sinabi ni Bela na: “Linagay ko na sa 100 pesos each para maganda quality. Reusable, eco friendly masks.”

Para sa amin, hindi na dapat ginawang big deal ni Bela ang suggestion ni Sen. Bong.

At least nag-isip pa rin ang magiting na senador kung paano makakatulong ‘di ba? (Rommel Placente)