Advertisers
NILINAW ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na hindi mandatory ang pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Año, hindi kasali sa minimum health standard ang pagsusuot ng face shield.
Kabilang sa minimum health standard ay ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at physical distancing.
Mandatory lamang ang pagsusuot ng face shield kung sasakay sa pampublikong sasakyan.
Samantala, ang mga local government units ay maaring mag-require ng pagsusuot ng face shield sa pamamagitan ng ordinansa subalit hindi dapat magpataw ng penalty.
Dagdag pa ni Año, maari naman ito ipatupad ng LGUs ngunit hindi dapat magpataw ng parusa dahil hindi nga kasali sa minimum health standards ang pagsusuot ng face shield. (Jonah Mallari)