Advertisers
Aminado ang Department of Finance (DOF) na handa umanong gumastos ang pamahalaan ng P140-bilyon hanggang P180-bilyon para sa isang economic stimulus plan ng kasalukuyang taon.
Ayon kay DOF Secretary Carlos Dominguez III na ang inilatag na pondo na gagamitin sa economic plan ay inaasahang madagdagan kapag maisabatas na ang pending tax reform package.
Giit ni Dominguez na handa ang gobyerno na gumastos ng P140 bilyon sa naturang economic stimulus.
Gayunman, puwede anya itong itaas hanggang P180-bilyon kung saan ang karagdagang P40-bilyon na tax credits ay manggagaling sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill.
Layunin ng panukalang ito ang agarang pagpataw ng 5 percentage point cut sa corporate income tax (CIT) rate. (Josephine Patricio)