Advertisers

Advertisers

Higit 120K OFWS na ang na-repatriate dahil sa COVID-19

0 197

Advertisers

Inihayag ng DFA na umabot na sa 124,717 ang bilang ng mga displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi na sa bansa dahil sa health crisis epekto ng global pandemic.
Naitala ang naturang datos mula Pebrero hanggang Agosto 8.
Ayon pa sa DFA, nasa 8,924 OFWs ang kanilang naibalik sa bansa nitong nagdaang linggo.
Sa kabuuang bilang nasa 49,655 ang sea based habang 75,062 ang land-based.
Nanawagan ang DFA sa mga OFWs na nagbabalak ng umuwi sa bansa na ipabatid ito sa embahada o konsulado sa kanilang lugar para sila ay matulungan. (Josephine Patricio)