Advertisers

Advertisers

NURSE NAGPOSITIBO SA COVID PINAALIS SA BOARDING HOUSE, NAGPALABOY SA KALYE

0 282

Advertisers

NASAGIP ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang nurse na pinaalis sa kanyang boarding house sa Makati matapos magpostibo sa COVID-19.
Nabatid na matapos ipagbigay alam ng nurse ang kanyang sitwasyon sa kanyang landlady ay sinabihan siyang dapat makaalis na ng boarding house, dahilan para maghanap ito ng bagong matutuluyan at nagpalakad-lakad sa kalye.
Hindi rin umano natulungan ng Barangay Olympia sa Makati ang nurse at sa halip may ibinigay lamang na contact number sa kanya para tawagan, subali’t hindi naman umano makontak.
Gayunman, isang kaibigan ng nurse ang nag-refer sa kanya sa PRC kungsaan natagpuan ito na nakaupo sa gutter sa kahabaan ng Southville, Makati kanto ng JP Rizal.
Ayon kay Zenaida Beltejar, consultant ng Philippine Red Cross Welfare services, nalungkot ito nang maabutan at nakita ang nurse na nakaupo sa gutter.
Dahil dito, sinabi ni PRC Chairman at Sen. Richard Gordon na kanyang iuulat ang insidenteng ito sa mga opisyal ng gobyerno at hikayatin na maglagay ng polisiya na kulang sa mga lokal na pamahalaan.
Binigyan diin din ni Gordon na ito ay istorya ng discrimination na dapat ay hindi ginagawa sa kapwa Pilipino at sa halip dapat tinutulungan.
Lumalabas din aniyang walang polisiya ang gobyerno dahil hindi natuturuan ang mga barangay upang malaman ang gagawin sa mga ganitong kaso.
“Mukhang mali ang polisiya ng gobyerno. Isang nurse na magagamit natin sa paglaban sa COVID, lumalabas, walang policy ang gobyerno.” ayon pa kay Gordon.
Pinuna din ni Gordon ang mga landlady na dapat hindi nagpapaalis ng mga tao dahil hindi aniya maaring kumalat sa kalye ang katulad ng nasabing nurse. (Jocelyn Domenden)