Advertisers

Advertisers

Higit P700K shabu nakuha sa 2 tulak sa Navotas

0 291

Advertisers

ARESTADO ang dalawang lalaki nang makuhanan ng nasa higit P700,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jessie,” 36; at “Percival,” 39, kapwa residente ng Barangay San Roque sa lungsod.
Ayon kay Police Capt. Ramon Acquiatan, hepe ng Northern Police District Drug Enforcement Unit, binentahan ng dalawa ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Sa report, nakuha sa 2 tulak ang mga sachet ng shabu na may timbang na 104 gramo at nagkakahalagang P707,200.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.(Beth Samson)