Advertisers

Advertisers

Liza Dino at Vivian Velez nagkaayos na para sa film industry

0 262

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NITO pa palang January nagkaayos sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño at aktres na si Vivian Velez na Presidente naman ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Noon pa napabalita ang sinabi ni Vivian, na isa rin sa mga Board of Trustees ng FDCP na hindi sila nagkakasang-ayunan ni Liza sa ilang bagay tungkol sa pagpapatakbo nito ng FDCP.



Pero ayon sa kuwento ni Liza sa Zoom mediacon para sa  5th Film Ambassadors Night (FAN 2021), maayas na ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa.

“We have our monthly Board of Trustees meeting, and that’s where we actually get the chance to talk.

“Hindi naman lingid sa kaalaman nDig lahat na minsan, hindi talaga aligned yung…

“Hindi naman sa hindi kami nagkakasundo, pero she has reservations on some of the programs that we have.

“But we never stopped talking. And I think that’s super-important na the dialogue must continue, and kailangan na makarating kami sa common ground.



“Kasi, at the end of the day, alam ko rin naman na ang gusto talaga niya ay makatulong sa industry.

“Magkaiba lang kami ng pinanggagalingan, at magkaiba kami ng paraan kung paano namin ia-approach ito.

“Tuwang-tuwa po ako. I’m very, very humbled during our last group meet. Kasi siguro, dahil 2021, tapos lahat kailangan talagang magtulungan, e.”

Samantala, mapapanoood sa pamamagitan ng  live streaming ang FAN 2021 sa February 28, Linggo alas otso ng gabi sa FDCP Channel.

Ang ilan sa animnapung honorees ay sina Dingdong Dantes, Angel Locsin, Alden Richards, Arjo Atayde, at Ms. Gloria Romero.

Patuloy na pahayag ni Liza tungkol kay Vivian, ito pa raw ang nagsuhestiyon sa board meeting ng FDCP na sana ay i-waive muna ang amusement tax sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan.

Ito rin ang hiling ng mga miyembro ng Philippine Motion Pictures Producers Association.

“And andami niyang mga suggestions, and I feel that she’s recognizing how we can all work together.

“Kasi, in-open niya sa buong council iyong mga proposal niya on how we can further help the industry.

“So, isa sa mga inihatag niya sa amin ay nagkaroon siya ng pakikipag-usap sa PMPPA, at ang meeting niya sa PMPPA ay yung waiving of amusement taxes.”

Sumakto naman ang proposal ni Vivian sa plano ng ng FDCP.

“And of course, separately, kami [FDCP] last year, meron na kaming ni-set na meeting sa bawat isang Metro Manila mayor na ka-partner na namin, na gumawa ng sari-sarili nilang ordinansa for the waiving of amusement tax for at least three years para lang po ma-cushion iyong impact ng [pandemic].

“And we know that we have to do it first, na may buy-in kami ng kani-kanyang Metro Manila mayor.

“But when she shared this proposal sa board—because Metro Manila Development Authority is part of the board, at nandoon po sila sa meeting na iyon—specially, dito po sa aming BOT, mas nagkaroon kami ng way para idiretso na sa Metro Manila Council ang panukalang ito.

“So, ang ginagawa na ngayon ng FDCP is nagda-draft kami ng proposal to a resolution for our dear Metro Manila mayors, through the Metro Manila Council, to look into this possibility of supporting our producers—our film industry—for the next three years.

“And hindi po mangyayari ito kung walang ganitong klaseng pag-uusap,” nakangiting wika pa ni Liza.

Dapat daw naman talaga na nagkakaisa ang mga nasa industriya.

“So, talagang ang take away ko po doon ay we’re always open. Basta, dapat hindi ka maaapektuhan personally.

“Kasi siyempre, kung ikaw, hinayaan mo yung personal na…

“Halimbawa, nagtampo ako, or masama yung loob ko, hindi magkakaroon ng pag-uusap.

“So, I’m just really happy na naging ganoon po iyong kinalabasan nitong aming mga meeting. I have a very, very optimistic view about what’s going to happen.

“We’re working talaga together as a group.”