Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TILA pareho ng hilig ang mag-amang Andre at Jomari Yllana.
Sa kanyang Instagram, ipinost ni Aiko Melendez ang larawan ng mag-ama habang tinutulungan ni Jomari si Andre sa sports gear nito.
Obvious na naghahanda rin si Andre para sa karera. Isa kasing dating car racer ang ex ni Aiko.
Ito ang masayang post ng aktres.
“Pass on the Torch @andreyllana with his Dad Jomari preppin him for a race on Sunday swipe left for more pictures Jomari used this racing suit for Korea race now its Andre’s turn,” caption ng kanyang post.
Isa namang matabil na netizen ang hindi naiwasang magkomento sa litrato ng mag-ama.
“Wow thats cool! Galing nman @andreyllana. [three clapping hands emoji]… but disappointing dad nya pala si @jomariyllana,” sey ng netizen.
Agad namang nag-react si Aiko at ipinagtanggol ang ama ng kanyang anak.
“Uy, wag naman. He’s still the father of Andre,” reaksyon ni Aiko.
Dahil na-feel na naka-offend, agad namang humingi ng sorry ang nasabing netizen.
Umani naman ng papuri ang aktres sa hindi nito pagkakait kay Andre kay Jomari sa kabila ng ilang pagkukulang nito.
Pareho nang masaya ang lovelife nina Aiko at Jomari sa kanilang respective partners.