Advertisers

Advertisers

Debris ng eroplano lumutang sa E. Samar

0 268

Advertisers

NAKAKUHA ng maraming aircraft debris sa aplaya ng Eastern Samar, Huwebes ng umaga.
Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sinabing maraming debris ang nakuha ng mga residente ng mga bayan ng Mercedes at Guiuan sa Eastern Samar.
Ang unang debris ay nakita sa isang resort sa Anuron Beach, Mercedes, Eastern Samar, 7:50 ng umaga ng Agosto 6.
Ang may kalakihang mga debris ay kinailangan pagtulungan ng maraming lalaki upang maibyahe.
Dakong hapon, mga 3 kilometro ang layo sa unang kinakitaan ng debris ay nadiskubre ng mga mangingisda ng Barangay Taytay, Guiuan ang panibagong aircraft debris sa aplaya na nakaharap sa Pacific Ocean.
Ang mga CAAP personnel mula sa Tacloban at Guiuan Airport, kasama ang lokal na PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 unit, at mga kinatawan ng Mercedes local government unit (LGU) ay bumisita na sa lugar.
Nasa pangangalaga na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hull-shaped aircraft debris.
Samantala, sa ulat ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC), wala namang naipaulat na nawawalang aircraft sa sakop ng flight information region (FIR) ng Pilipinas at mga karatig na FIRs.
Sa inisyal na ulat, walang binanggit na kaugnayan ang mahiwagang aircraft debris sa bumagsak na eroplano sa India noong isang araw. (Jocelyn Domenden)