Advertisers

Advertisers

๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐š ๐ง๐  ๐‚๐Ž๐•๐ˆ๐ƒ-๐Ÿ๐Ÿ— ๐ฏ๐š๐œ๐œ๐ข๐ง๐ž ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง

0 623

Advertisers

Hinimok ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co ang pamahalaan na umpisahan na ang paglalaan ng suplay ng bakuna laban sa COVID-19.
Aniya dapat ay sumunod na rin tayo sa hakbang ng ilang bansa tulad ng Estados Unidos at mga bansa sa Europa ang nagpareserba ng mga orders para sa COVID-19 vaccine mula sa mga malalaking pharmaceutical companies.
Muli rin nitong pinaalala sa pamahalaan na tiyakin na mapaglalaanan ng pondo ang National Vaccination Plan ng pamahalaan at pinatitiyak na magiging bukas at transparent ang bidding para sa contract supply ng mga COVID-19 vaccines.
Kasabay nito ay inirekomenda rin ng mambabatas na paglaanan ng investment ng gobyerno katuwang ang pribadong sektor ang research at produksyon ng mga Pinoy made vaccines. (๐‘ฏ๐’†๐’๐’“๐’š ๐‘ท๐’‚๐’…๐’Š๐’๐’๐’‚)