Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MAY mutual admiration pala sa sina Bea Alonzo at Alden Richards sa nakatakdang pagsasama nila sa isang pelikula, ang “A Moment To Remember.”
Say kasi ni Bea sa panayam na pangarap niya rin makasama sa movie si Alden pagkatapos nilang magsama noon sa isang commerecial na kinunan pa sa ibang bansa.
Ani Bea, mabait at propesyonal na katrabaho si Alden kaya nang ialok sa kanya ang pelikula na kasama ang Asia’s Multimedia Actor ay hindi na raw siya nagpatumpik-tumpik pa.
Samantala si Alden naman ay aminadong follower ng tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea. Noong first na nakasama ni Alden si Bea ay abot ang saya ng Kapuso aktor. Ngayon ay dumoble pa ang ligaya ni Aden nang malaman na may movie na sila ni Bea.
Hindi pa nga raw siya makapaniwala na ang dating pinapanood niya lang sa movie na tambalan ng idolong sina Lloydie at Bea, ngayon ay makakapareha na rin niya ang favorite loveteam.
At dahi business minded si Alden, marami ang nagtatanong kung bakit hindi na lang daw ang aktor ang magprodyus ng movie.
Sey ng aktor hindi raw niya linya ang maging movie producer, sa food bisnes daw ang kanyang interes. Pero kung sakali mang dumating ang pagkakataon na mag-produce siya, malamang daw ay sa ‘later’ period na raw ng kanyang buhay.
***
KABAHAGI na siguro talaga ng televiewers ang mga eksenang bugbugan, sabunutan at sampalan sa mga teleseryeng napapanood nila mapahapon man o gabi.
May kanya-kanyang istilo ng pisikalan ang bawat bida at kontrabida sa isang serye at ngayon ay may bagong handog ang Kapuso na millennial na magkaaway sa serye na sina Pauline Mendoza at Liezel Lopez sa teleseryeng kapalit ng high rating show sa hapon ng GMA-7 ang “Prima Donnas”, ang “Babawiin Ko Ang Lahat” na makakasama ng dalawa sina John Estrada, Carmina Villarroel, Tanya Lopez, Manolo Pedroza, Kristoffer Martin at marami pang iba.
And speaking of Liezel Lopez, siya na yata ngayon ang bagong hinuhubog na kontrabida ng Kapuso Network, bukod kasi sa serye nila ni Pauline, si Liezel din ang kontrabida sa “Voltes 5: The Legacy” bilang si Zandra.
Sa ngayon pa lang ay marami na ang excited mapanood ang pisikalan nina Pauline at Liezel. At ayon kay Pauline ay siguradong magugustuhan ng viewers ang kakaibang atakeng gagawin nila ni Liezel. May matitinding pisikalan umano na gagawin ang dalawa.
Hindi naman kaya kabahan sa bugbugan scenes nila ni Liezel si Pauline?
“With me and Liezel, well, actually hindi ako nahirapan katrabaho si Liezel kasi nakasama ko na rin siya sa mga workshop before.
“I’ve known Liezel for a long time na and she’s very professional. And you know, kami ‘yung may mga eksena talaga na may magaganap na pisikalan,” saad ni Pauline.