Advertisers

Advertisers

Heart inamin, sobrang naghirap nang magrebelde sa parents

0 271

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MARAMING hndi nakakaalam na dumaan din pala  sa kahirapan si Heart Evangelista. Nabulgar lang ito sa vlog ni Dra. Alvee Teo na talaga namang nakaka-shock dahil alam ng lahat na isinilang siya na mayaman at kahit hindi magtrabaho ay mabubuhay.

Ito raw yung panahong ginagawa niya ang Hiram na Mukha sa ABS-CBN noong 2007. Ito rin daw ang pinakamahirap na ginawa niya dahil nagdusa siya sa prosthetics.



“Hirap talaga kumita ng pera,” say ni Heart.

Ito raw ang panahon na umalis siya sa poder ng kanyang magulang. At  nagsimula siya from scratch. Magmula noon ay nag-iba na raw ang lifestyle nya at natutong mamuhay ng simpleng buhay.

“And I had to do this Hiram na Mukha because  I had no money at that  time,”  aniya.

Sobrang hirap daw ang dinanas niya sa prosthetics na hanggang  3 a.m.  the next  day  na tinatawagan na niya ang manager para sabihing hindi na niya kaya.

That  time talaga raw wala siyang pera dahil gusto ng mommy niya na magdusa siya para muling bumalik sa kanilang tahanan. Dumating pa raw sa punto na wala siyang pang-dinner at  nilibre lang daw siya ng assistant niyang si Resty.



“Ate Resty, naglibre sa akin sa restaurant. Wala akong pera, 30 pesos lang ang laman ng ATM ko, so wala akong pang-dinner,” kuwento ni Heart.

Hindi naman itinanggi ni Heart na nagrebelde siya noon at love-hate ang relationship nila ng kanyang mommy that time.

Of course, ngayon ay napagtanto na ni Heart ang kanyang mga nagawang pagkakamali pero wala siyang pinagsisihan.

Naka-focus siya ngayon kung paano sila magkakaroon ng baby ng mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

***

GARY V HUMIHINGI NG PANALANGIN PARA MALABANAN ANG SAKIT

SA Twitter humihingi ng dasal si Gary Valenciano sa netizens para ipaalam na nasa  alanganing stage ang kanyang sugar-level.

“Lord humbly I come before you to  ask for your  help. My sugar level  Lord is dangerously high. Although I`ve  taken  the right  steps  to bring  it  back to normal, it`s  not  easy  having  it  this  high. Thank you Lord Jesus  for I know  You are  with me in this.”

Since Gary was 14 years old, now 56, he has suffered from Type 1 diabetes.

Nasa bahay lang si Gary at hindi umaalis. Lagi niyang dala ang  vial of  insulin  at  ibang gamit na pang-check ng kanyang blood sugar. May dala rin siyang can of something sweet, tulad ng Coca Cola soft drinks.

Sa kabila ng dinaramdam ay hindi ito nagiging hadlang para hindi ipagpatuloy ni Gary ang kanyang work.

Ayaw namin isipin na si Gary V ang isa sa mga prediction ng sikat na manghuhula na si Rudy B na mamamaalam na sa mundo ng showbiz.

Yung isang latest prediction niya na may bulkan na muling puputok ay tila nangyayari na ngayon.

Isa pa sa latest prediction ni Rudy B ay may mamamatay sa  isang madugong massacre ang isang sikat na celebrtity. Papasukin daw ito sa bahay at pagsasasaksakin.

Mensahe niya sa nasabing sikat na celebrity na mag-ingat  at sinabi pa nito na alam daw ng nasabing celebrity na siya ang tinutukoy ni Madam Rudy sa kanyang hula.