Advertisers

Advertisers

Xian nag-renta pa ng helicopter sa V-date kay Kim sa Palawan; James ‘di na tuloy ang proyekto kapareha ang Momoland member dahil kay Nadine

0 295

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI na pala matutuloy si James Reid sa seryeng The Soulmate Project na pagsasamahan sana nila ni Nancy McDonie, na member ng Momoland.

Si James mismo ang nagkumpirma nito. Sa isang video clip na ipinost sa Instagram account ng isang JaDine fan noong Pebrero 8 na pinamagatang Hangout With James Reid, na ipinalabas sa Kumu channel ng TaxWhizPH,  napag-alaman na hindi na nga magiging bahagi ng nasabing serye ang aktor.



Sa sinabing Kumu session ay tinanong si James tungkol sa The Soulmate Project, naging maikli ang sagot ng aktor, at sinabi niyang hindi na niya gagawin ang proyekto.

Sabi niya, “Soulmate. I won’t be doing Soulmate.” Hindi naman nagbigay ng paliwanag ang aktor kung bakit hindi siya matutuloy dito.

Matatandaan na noong Oktubre 4, 2019 ay inanunsyo ng ABS-CBN ang magiging tambalan nina James at Nancie sa TSP. Dumalo rin ang dalawa sa story conference nito. Pero may mga sabi-sabi na noon  na nag-aalinlangan si James na gawin ang serye. At ang ang dahilan ay si Nadine Lustre na girlfriend at ka-loveteam niya noon.

Sinaway rin ni James  ang mga fan na tinatawag ang tandem nila ni Nancy na JaNcy. Ayon sa kanya, isa lang ang love team niya at iyon ay ang JaDine. So, hindi kaya ang dahilan ng pagtanggi ni James sa TSP ay may kinalalaman kay Nadine o sa loveteam nila? Na baka ayaw lang ng binata na ma-identified kay Nancie at ang gusto niya ay kay Nadine lang madidikit ang pangalan niya kahit nga hiwalay na sila nito.

Ayon naman sa sinasabi ng iba ay nagkabalikan na ang dalawa after kunin ni James si Nadine bilang recording artist ng kanyang Careless record label. Ano nga kaya ang tunay na dahilan at ayaw nang gawin ni James ang TSP?



***

BONGGA ang naging selebrasyon nina Kim Chiu at Xian Lim ng nakaraang Valentine’s Day. Nag-out of town sila, sa Coron, Palawan.

Bago sumapit ang V-day, sinabihan na ni Xian si Kim na mag-out of town sila para mag-celebrate ng Araw Ng Mga Puso. Nagulat si Kim na sa Palawan pala ‘yun at ang lalo niyang ikinagulat, nag-rent pa ang boyfriend ng helicopter na ginamit nila papunta ru’n kasama ang pamilya ng aktor.

Surprised talaga si Kim sa effort ni Xian. Hindi naman kasi biro ang renta ng helicopter. Sa ginawang ito ni Xian kay Kim, ibig sabihin talagang mahal na mahal niya ito. Hindi niya inintindi ang mahal na renta ng helicopter, mapaligaya lang ang Chinita Princess.