Advertisers

Advertisers

Hontiveros: China may utang nang P8-B sa Pilipinas, dapat nang singilin

0 226

Advertisers

ANG Chinese government ay may malaking utang sa Pilipinas, higit P800 billion, sa gitna ng pagiging agresibo nito sa West Philippine Sea, sabi ni Senadora Risa Hontiveros nitong Huwebes.
Sa kanyang statement, sinabi ni Hontiveros na ang utang ngayon ng China sa Pilipinas ay lumobo na sa higit P800 billion sanhi ng pagsira sa mga koral sa karagatan ng bansa dahil sa patuloy nitong “adventurism” sa maritime region, sa kabila ng arbitral tribunal na pumabor sa Pilipinas sa kaso laban sa mga inaangkin ng China sa bahagi ng South China Sea.
“Time to pay up. Dati nang umayaw ang Chinese Embassy nang naningil tayo ng mahigit sa P200 billion dahil sa paninira ng Tsina sa WPS mula 2013. Pero ngayon, umabot na sa higit P800 bilyon ang halaga ng paninira nila sa ating likas-yaman, kaya patuloy ang ating pangangalampag,” sabi ng Senadora.
Base sa data mula sa international journal Ecosystem Services noong 2019, sinabi ni Hontiveros na mga nasa P231 billion halaga ng coral reefs ang nasira sa loob ng pitong taon. Ang halaga ng coral reef ay nasa P16 million. Ang Panatag at Spratlys ay mayroong 1,850 ektarya ng reef ecosystems “have been damaged” ng China, sabi ng mambabatas.
Binanggit ang ulat mula sa investigative journalist na si Jarius Bondoc, sinabi ni Hontiveros na may kabuuang P644 billion halaga ng mga nahuling isda ang ninakaw sa Pilipinas simula 2014.
“He arrived at the number by multiplying the 1.2 million tons of fish that are usually caught by Chinese vessels in Zamora and Panganiban reefs annually, with Seafdec’s estimated value per ton of fish catch in the South China Sea at ?76,710,” sabi ni Hontiveros.
Kamakailan, si Hontiveros ay naghain ng Senate Resolution 369 para hilingin sa China na magbayad ng P200 billion halaga para sa reparations, na magagamit ng gobyerno laban sa t COVID-19.
Maliban sa hinihirit na kabayaran, sinabi ni Hontiveros na ang gobyerno ng Pilipinas ay dapat aksiyunan din ang patuloy na pangha-harass ng Chinese military ships sa mga mangingisdang Filipino.
“Let’s not allow China to get away with this,” diin ni Hontiveros.