Advertisers
NAGKAMALI si Francisco Domagoso, ang alkalde ng Maynila na mas kilala sa kanyang alyas na Isko Moreno. Tinanong siya ng isang grupo ng mga lider Simbahan, retiradong mahistrado, at mga prominenteng tao kung nakahanda siyang magharap ng sakdal kay Rodrigo Duterte kung sakaling mahalal siya bilang pangulo. “Hindi,” aniya.
Tinanong si Isko kung bakit hindi siya magsasakdal. Dito na nag-umpisa ang pagkawala ng paghanga sa kanya. “Healing presidency ang sa akin,” aniya. Gusto niya maghilom ang sugat na nangyari sa ilalim ng gobyerno ni Rodrigo Duterte, aniya. Sa tingin ng mga kumapanayan sa kanya, hindi lubusang nauunawaan ni Isko ang ibig sabihin ng “healing presidency.”
Lihis sa katwiran ang healing presidency ni Isko Moreno. Basta hahayaan na tumalikod sa mga responsibilidad si Duterte. Basta hayaan ang tila baliw na hindi managot sa mga malawakang patayan na dala ng kanyang bigong digmaan kontra ilegal na droga. Basta wala lang ….
Sa maikli, kahit hindi harapin ang daan-daang bilyon o trilyon piso na dinambong sa kaban ng bayan. Kahit napakatindi ng pandarambong sa ilalim ng kanyang gobyerno. Kahit hindi ginawa ang trabaho ng kanyang opisina dala ng matinding katamaran. Kahit naging pabaya at bulag sa ginawang pagmamalabis ng kanyang mga tao sa gobyerno.
Isa si Isko Moreno sa mga napupusuan na humalili kay Duterte. Ngunit hindi nauuwaan ni Isko na kaharap at kausap niya ang mga lider ng kilusang demokratiko sa Filipinas. Hindi sila ang mga pipitsugin at patapon na lider na kung saan-saan pinulot upang katawanin ang kilusang demokratiko. Hindi alam ni Isko na hindi niya kapareho ng pag-iisip ang mga nag-interbiyu sa kanya. Malalim ang pang-unawa ng mga taong kaharap niya.
Napansin si Isko matapos magaan na nanalo kay Erap Estrada noong 2019. Agarang nilinis ni Isko ang Maynila na nanlimahid sa dumi at bumaho sa panghi dahil sa kapabayaan ni Erap. Ngunit alam ang bisyo ni Isko sa sugal.
Kahit anong sabihin, kinakatawan ni Isko ang showbiz, isang lipunan na mababaw ang konsepto ng moralidad. Kabilang si Isko sa walang sariling pag-iisip at baon sa kamangmangan. May mga taga-showbiz ang humarap sa halalan kahit hindi alam ang mandando ng opisina nila.
Kaya hindi nakakapagtaka na hindi alam ni Isko ang sinabi niya sa panayam. Utak-showbiz ang tatak ng pagkatao niya. Sikat ngunit mangmang sa maraming usapin.
***
HINDI bago ang “healing presidency.” Ginamit ni Ramon Mitra Jr., ang dating ispiker noong panahon ni Cory Aquino. Tinangka ni Mitra na pagbatiin ang puwersang dilawan na nagluklok kay Cory sa 1986 EDSA People Power Revolution at puwersa ng diktadurya ni Ferdinand Marcos. Tinanggihan ang mungkahi dahil hindi ito batay sa katarungan.
Hindi nag-klik dahil walang malinaw na batayan ang konsepto ni Mitra. Ganoon lang? Basta pagbabatiin. Mistulang pinagbati ang dalawang makagalit na magkapitbahay na walang ginawa kundi mag-irapan sa tuwing magkikita sa kalsada. Natalo si Mitra sa halalan.
Hindi pinag-aralan ni Isko Moreno ang konsepto ng healing presidency. Dala ng kasalatan sa tamang pag-aaral, hindi alam ni Isko na malalim ang healing presidency. Maganda sa tainga, ngunit batbat sa lalim ang healing presidency. Hindi siya susuportahan ng kilusang demokrasya sa bansa. Maaari siyang tumakbo ngunit nasaan ang suporta niya?
***
Bumuo ng isang lupon o komite ang ilang prominenteng tao upang malaman ang political mood ng sambayanan at gumawa ng hakbang kung paano mapapaghandaan ang 2022. Kinausap ng pasikreto ang maaaring ilaban sa 2022. Isang paraan upang manatiling solido ang puwersang demokratiko. Hindi mga pulitiko ang kasapi sa lupon. Hindi kasama ang mga kinatawan ng Liberal Party, Magdalo, Akbayan, at ilang maliliit na grupong pulitikal. Nag-umpisa ngayong taon ang lupon. Susuportahan ang sinuman na mapusuan.
Naunang nainterbiyu si Grace Poe ng lupon ngunit nagsabing wala siyang plano na tumakbo bilang pangulo sa 2022. Nagsabi na bukas siya, o “open,” sa pangalawang pangulo. Naguluhan ang lupon dahil hindi niya tinanggap ang alok sa kanya ni Noynoy Aquino na tumakbo bilang katambal ni Mar Roxas noong 2016. Mukhang malayang mag-isip si Grace Poe kapag wala sa kanyang paligid si Chiz Escudero, ang itinurong Rasputin.
***
MAY kalatas ang mamamahayag Angelo Palmones ng dzRH. Dating mambabatas na bumalik sa radyo pagkatapos ng kanyang termino sa Kongreso. Tinututulan ng kanyang party list group – Alyansa ng mga Grupo ng mga Haligi sa Agham at Teknolohiya sa Mamamayan, o Agham- ang power plant na gagamit ng coal bilang pandingas. Pakibasa
DOE ban on coal power plants should end bid outright – Consumer Group
THE Department of Energy’s (DOE) existing ban on coal power projects should have ended one of the bidders’ chances to supply part of Meralco’s 1,800-megawatt power needs.
In October last year, DOE issued a moratorium in endorsing greenfield or new coal-fired power plant projects notwithstanding committed projects and expansion projects, including indicative power projects with land acquisition or lease contracts and accomplished and secured local statutory and regulatory permits.
“Our group stresses that the Kingstone project is actually covered by the DOE Moratorium against coal power plants. Thus, they are outrightly disqualified. There is a serious national and energy security issue, if Kingstone comes to fruition, this will mean that China controls 1,200 MW power supply in Luzon. This is surely a security issue of the most important and highest level in the national sphere. Given these serious and grave concerns for the Kingstone project, it is right that they should be removed immediately and permanently from the CSP, as they did not meet the bare minimum rules and regulations outright,” Angelo B. Palmones, Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan (Agham) president, said.
As seen from previous rounds done two years ago, the strict CSP, Palmones said the terms of reference of the bidding, are clear-cut. This time around, the three disqualified firms simply did not make the cut.
Of most urgent note, Palmones said the CSP had to cut off the Chinese-backed Kingstone because not only were its plants unqualified, but it was represented solely by a law firm throughout the CSP process.
He added that records showed that its equity ownership is spread over several offshore companies with no clear credible power company in control. “If the Kingstone project succeeds, China will not only have control over transmission but will also become a major player in generation. This would be a threat to our power and energy ecosystem,” he warned.
Palmones emphasized that Filipino consumers should not be treated as guinea pigs for the provision of as basic a commodity as electricity.
“And since this new coal power plant has yet to be put up, the question of the proponent’s proven capability and expertise comes into play, with the lingering threat of China lurking in the background. Hence, bidders like Kingstone should not anymore interfere with the CSP and the bidding process, as this will only work against the development and growth of our country and its economy, as we continue to need additional power supply. No more appeals or contentions should be made because clearly, they did not meet the standards being set by the government in the first place,” Palmones said.
***
Email:bootsfra@yahoo.com