Advertisers

Advertisers

Andre Yllana naiilang kaeksena sa proyekto ang inang si Aiko

0 256

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

A FEW years ago ay on-hold ang showbiz career ni Andre Yllana, ang anak na lalaki ni Aiko Melendez, dahil nakapokus ito sa kanyang pag-aaral.

Pero dahil malapit nang magtapos si Andre sa pag-aaral ay itutuloy na niya ang pag-aartista ngayong 2021.



Kumukuha ng  kursong Automative Mechanic si Andre sa Don Bosco Technical Institute of Makati.

Ang paggawa, pag-aayos at pagkukumpuni ng kotse ang kurso ni Andre na mahilig sa kotse.

“Yes, hilig ko talaga.”

Ano ang reaksyon ni Aiko noong sabihin ni Andrè  na iyon ang kursong gusto niya?

“Nung una medyo duda si mommy, sabi niya, ‘Safe ba yun? Siyempre baka mamaya malaglagan ka ng ganito-ganyan?’



“E in-explain ko naman sa kanya na hilig ko talaga. Inintindi naman ako ni mommy.”

Ang paboritong kotse ni Andrè ay ang bigay sa kanya ni Jomari.

“Toyota Corolla, model 1998.

“Simula bata ako, pag sinasakyan ko yun, sabi ko kumbaga, idol ko talaga yung kotse na yun.

“Tapos nung binigay na sa akin lalong mas napamahal dahil siyempre dala-dala ko na.”

Kaya kahit may mga bagong modelo na ng kotse…

“Hindi ko ipagpapalit!”

Dati ba ay bawal sa school nila ang estudyante na nag-aartista?

“Hindi naman sa bawal. Gusto ko lang din mag-focus sa studies,” pahayag ni Andre.

Noon daw ay hindi kaya ni Andre na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.

“Parang ganun na nga, ang hirap e,” sinabi pa ng guwapong binata.

“Mahirap kasi. Ako parang tingin ko diyan sa pag-aartista at sa pag-aaral, parang girlfriend, e!

“Hindi puwedeng dalawa, kailangang isa lang.”

Mas mahal niya ang pag-aaral kaysa sa kanyang showbiz career?

“Hindi naman sa mas mahal ko ang pag-aaral, pero mas binibigyan ko ng pansin yung pag-aaral muna. Kasi tingin ko sa industry, siyempre…”

Na nandiyan lang para sa kanya, lalo pa at anak siya nina Aiko at Jomari Yllana?

“Hindi naman sa nandiyan lang lagi, kumbaga, siyempre hindi mo naman alam kung sisikat ka, e.

“So kailangan, maganda may fallback.”

At ngayong mag-aartista na nga siya ulit, sino ang nais niyang maging leading lady, sino ang crush niya sa showbiz?

“Marami, e!”

Pinaka…

“Pinaka siguro si Andrea Brillantes.”

Nagkakilala na raw sila ni Andea.

“Sa Star Magic.”

Noon pa sinubukan ni Andre ang showbiz, humigit-kumulang tatlong taon na ang nakakaraan, nag-guest na ito sa ilang shows ng ABS-CBN.

Nakalabas na si Andre sa ilang shows ng ABS-CBN tulad ng Gandang Gabi Vice at iba pa.

Dapat sana ay may isang drama TV project na gagawin noon sina Andre at Aiko pero hindi iyon natuloy, at ang sabi ng mommmy niya ay hindi kaya ni Andre makaeksena sa isang drama project ang ina.

“Naaano kasi ako, e. Actually medyo nai-intimidate ako kay mommy.

“Kasi siyempre mahusay na actress si mommy so hindi ko alam kung ano’ng magiging itsura ko pag katabi ko siya,” at natawa ang binata.

“Siyempre baguhan ako.”

Pero ngayon, malamang ay magkatrabaho na nga ang mag-ina.

Nitong February 5 ay pumirma na si Andre ng kontrata sa Viva Artists Agency

Sinamahan si Andre nina Aiko at ng kasintahan ng huli na si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun sa pagpunta sa opisina ni Vic del Rosario, ang head ng Viva Entertainment para sa contract signing ng binata.

Limang taong exclusive contract ang pinirmahan ng twenty-two year-old na si Andre; pelikula at telebisyon ang pagkakaabalahan niya sa tulong ng Viva.

Open si Andre na mailinya sa drama, action, comedy at maging sa hosting.