Advertisers

Advertisers

Gardo Versoza nabuhay ang career dahil sa Tiktok

0 256

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

KUNG ang ibang artista ay apektado sa kakulangan at kawalan ng trabaho dahil sa pandemya, para naman kay Gardo Versoza, may buti namang maituturing ang lockdown.

For one, may pagkakataon daw ang mga tao para magmuni-muni tungkol sa kanilang mga prayoridad sa buhay.



Para kay Gardo naman, naging oportunidad ang quarantine para lumabas ang pagiging malikhain niya sa panahong pinaglalabanan niya ang pagkaburyong.Sa pagti-Tiktok, nabigyan ng bagong sigla ang kanyang karera bilang Tiktok Tito.

“Actually, iyong makapagpasaya ka ng mga tao ay malaki nang bagay. Hindi naman sa nakikiuso, pero masarap lang sa feeling na nakakapagpasaya ka sa panahong maraming may pinagdadaanan dahil sa pandemya,” aniya.

Hindi man namo-monetize ang Tiktok, nagpapasalamat din siya dahil sa kanyang edad ay muling nagkaroon ng sigla ang kanyang karera.

“Sa Tiktok kumbaga, maganda ang following, kaya nga feeling ko kaya siya pinapasok ng mga pulitiko dahil maganda siya sa pangangampanya. So, nagpapasalamat din ako dahil blessing in disguise siya. May pumapasok na projects. Kapag may mga produkto o kaya’y may ayudang pinapadala, sabihin sa iyo, ‘O, ipaTiktok mo ito’,” aniya.

Aniya, ultimong ang dating producer daw niyang si Robbie Tan noong gumagawa pa siya ng sexy films ay natulungan niyang mai-promote ang produkto nitong wallet thru Tiktok.



Ito raw naman ay ginawa niya bilang pagtanaw ng utang na loob sa dating Seiko Films producer.

Madugo rin para kay Gardo ang proseso ng paggawa ng Tiktok, mabusisi rin ang paghahanda rito.

Collaborator niya rito ang asawang si Ivy Vicencio.

Gayunpaman, ‘di raw niya alintana ang pagod dahil enjoy siya sa kanyang ginagawa.

Sa pagti-Tiktok, viral ang kanyang videos na sumasayaw habang naka-high heels.

Huling nag-trending din ang Tiktok video niya kasama ang KathNiel.

 

Hirit pa ng aktor, itutuloy daw niya ang pagti-Tiktok may pandemya man o wala.